Tumutulong sa mga Parmasyutikong Pinoy Umasenso sa Australia

Ann Marjorie Coo, Rph, MPS

May 15, 2022

Tumutulong sa mga Parmasyutikong Pinoy Umasenso sa Australia

Bakit mo kailangang maniwala at panindigan ang pangarap mo? Nandirito ka marahil ay dahil lito ka sa proseso o sa mga sabi sabi dito at doon lalo na sa mga taong masyadong magaling at marunong na nagsasabing mahirap ang buhay dito bilang isang parmasyutiko.

Oo, mahirap naman talaga syempre sa umpisa ngunit pagkatapos ng hirap ay paniguradong sapat naman ang kaalaman mo at dun ka kikita ng lubos at malaki. Ang sekreto para makakuha ka ng among tutulong sau na makapunta dito ay walang iba kundi ang sarili mo. Ang tanong lang ay papano mo bebenta sarili mo na mapili ka sa daan daang aplikante. Ganun ka ba kagaling at kalinaw magingles? Napakamaabilidad mo ba sa trabaho mo?

Marami kang nakikitang puro pangit ang sinasabi dahil mahirap maging matagumpay dito, hindi madali. Marami ang hindi nagtagumpay kaya ang ginagawa nalang ay siraan ang propesyon ng walang magkainterest ng sa gayon ay wala rin silang kakompetensya. Mas di hamak naman na mas maraming matagumpay at ngayon ay tahimik na nagtratrabaho. Ang likas na magaling na tao ay ang taong tahimik kung magtrabaho hindi puro angal dito angal doon.

Maniwala ka man sa hindi ay halos pitong libong dolyares lang ang pinuhunan ko dito mula sa pinas. Nakasulat po at nakalista po mga ginastos ko sa aking libro ng buhay kaya wag pong maniwala sa mga kumakalat na sobrang mahal at di mo mababawi at kung anu ano pa. Dahil ako mismo magsasabi sayo na nabawi ko yan ng wala pakong isang taon dito. Yan po ay lumang presyo at syempre mas mahirap na ang buhay ngayon pero kaya parin naman. Tubong lugaw po sa madaming salita sa totoo lang.

Kung may tanong po kayo tungkol sa proseso o nagawa nyo na ang lahat at walang among gustong kumupkop sa inyo at kinakabahan na kayo at baka mapaso ang papeles nyo at kailanganin nyong muling kumuha ng pagsusulit, kami po ay malugod na tutulong sa inyo. Magbigay alam lang po o magmensahe sa amin at wag pong matakot sa bayad, mas matakot po kayo kung kayo po ay nalipasan ng pagkakataon. At kung nangyari po yan, wala napong perang makakapagsalba sa inyo dahil ang panahon pag lumipas ay di na maibabalik pa.

Para sa tagumpay nyo kabayan!

Ann Marjorie Coo, Rph, MPS
Filipino-Australian Pharmacist

Share

There's more to read

Questions?

Let's get you answers. We recommend reviewing the frequently asked questions. If you don't find what you're looking for, get in touch with us.

Subscribe for latest news and jobs

A Locoomago productAll rights reserved © 2024